Featured

MGA SALITANG HINDI MADALAS GINAGAMIT

Marahil ay madami ang nagtataka kung bakit kaya may mga salita tayong hindi madalas nababanggit o nababasa ng ating mga mata. Marahil ay madami ang nagtatanong kung bakit nga ba hindi natin madalas gamitin ang mga ito.

Tayong mga Pilipino ay nakahiligan na natin ang paggamit ng mga salita na pasok sa ating panlasa, gumagamit tayo ng mga salita na kung saan ang bawat  depinisyon nito ay hindi na lingid sa ating kaalaman tulad na lang ng mga salitang balbal na siyang ating naiimbento na kung saan ito na ang mga salitang ating ginagamit,marahil dahil sa naaayon ito sa makabagong henerasyon na ating ginagalawan at marahil na rin sa ito na ang ating nakagisnan ngunit bago ang lahat narito ang mga salitang aming nakalap na hindi masyadong kilala at ginagamit ng bawat isa:

1.TALASARILI

-ang TALASARILI (Diary) ang siyang ating ginagamit upang masabi natin ang ating sariling nararamdaman na hindi pwedeng sabihin kahit na sa pinakamatalik mo pang kaibigan

2.YAKIS

-ang YAKIS naman ay isan g bagay na siyang ginagamit upang mas lalong maging matalim ang isang bagay tulad na lang ng kutsilyo, gunting o di kaya naman ay lapis.

GAMIT SA PANGUNGUSAP:

YAKIS ang ginamit ng aking ama upang mas maging matulis ang aking ginagamit na lapis.

3.MIKTINIG

-ito naman ang ginagamit natin hindi lang sa pampublikong lugar kundi ito rin ay ginagamit natin upang mas marinig nila tayo sa tuwing tayo ay nagsasalita sa harap ng napakaingay na tao.

GAMIT SA PANGUNGUSAP:

Ang Presidente ng Pilipinas ay gumamit ng MIKTINIG upang sa ganoon ay marinig siya ng bawat mamamayan na siyang kabilang sa kaniyang sinasakupan.

4.KAWINGAN

-kawingan ang siyang ginagamit ng ilan upang mas mapaikli ang kanilang presentasyon.

5.TSUBIBO

-ang tsubibo  na kung saan nakikita natin ito sa perya at nagbibigay tuwa kaba sa bawat taong sumasakay dito.

6.SIPNAYAN

-ang sipnayan ay ang siyang pinaka ayaw ng bawat studyante lalong lalo na sa mga taong hindi marunong magtiis sa mga numero.

7.PANTABLAY

-ginagamit upang mabuhay ang isang bagay katulad na lamang ng Cellphone,Laptop at iba pang bagay na siyang ginagamitan ng PANTABLAY.

8.ALIMBUYUGIN

-alimbuyugin ang tawag sa mga taong mababa ang pagkakaintindi ng mga salitang ating sinasabi sa kanila.

9.ANLUWAGE

-ito ay isang matinong trabaho na siyang kinikilala ng lahat dahil sa angkin nilang talino upang gumawa at bumuo ng isang bahay.

10.SALIPAWPAW

-maaring nakakita ka ng SALIPAWPAW ngunit alam niyo ba na ang salibawbaw ay isang uri ng sasakyang panghimpapawid ito ang ginagamit nila upang mas mapadali ang kanilang bayhe tungo sa kanilang destinasyon.

Ang sampung mga salitang ito ay maaaring narinig o nabasa niyo na marahil din any nagtatanong na kayo kung bakit ito ang aming ginagawa,marahil rin ay inyo ng sinasalikssik kung ano ba ang mga salitang aming binanggit.

tayong mga Pilipino ay may ugaling kung ano ang nasa kasalukuyan ay yun na ang binibigyan ng importansya na kung saan para na rin nating binabasura ang mga salitang dapat ay alam natin kung ano ang mga ibig sabihin at kung may halaga ba ito sa atin.

Hindi namin sinasabi na mas kilalanin natin ang ating sariling wika at isantabi ang mga bagong wika na siyang nagiging dahilan upang tayo ay umasenso bagkus ay dapat lang na mas matutunan natin ito dahil ika nga nila “ang sarili mong wika ay mahirap aralin kaysa sa ibang wika”kaya marapat la mang na pagtuunan muna natin ng pansin ang mga salitang hindi madalas ginagamit upang sa ganoon ay mas lumawak pa ang ating ideya sa ating sariling wika.

At bago matapos gumawa po kami ng isang youtube video na kung saan inyong makikita at maririnig kung paano nga ba ito gamitin sa pangungusap.mga salitang hindi madalas gamitin naway magustuhan ninyo at sana man lang ay makatulong din ito upang makilala natin ang mga salitang hindi pa masyadong kilala dahil sa natabunan na ito ng mga salitang balbal.

Marami pong salamat at naway patnubayan tayong lahat ng ating panginoon 🙂